INTERNAL CLEANSING | Pagpapatupad ng istriktong pagdidisiplina sa buong hanay ng pulisya, ipinangako ni incoming PNP Chief, NCRPO Director Oscar Albayalde

Manila, Philippines – Nangako si incoming PNP Chief National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde na ipatutupad ang istriktong pagdidisiplina sa buong hanay ng pulisya.

Ito ay kasabay ng internal cleansing sa PNP sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa serbisyo ng lahat ng police scalawags.

Ayon kay Albayalde, nararapat lamang na paigtingin ang discipline-oriented training programs para sa mga kasalukuyan at mga papasok na bagong miyembro ng police force.


Makikipag-usap siya kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ukol sa pagpapalawak pa ng training programs ng PNP.

Pormal na uupo sa bagong tungkulin si Albayalde sa April 18.

Facebook Comments