INTERNAL CLEANSING | PDEA, nagsagawa ng balasahan sa PDEA Western at Central Visayas

Binalasa ni Director General Aaron Aquino ang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Western at Central Visayas.

Nasa 180 na PDEA personnel kabilang ang mga regional directors ang apektado ng balasahan.

Hindi naman kasama rito ang mga technical personnel katulad ng mga chemists at drug regulatory officers.


Ayon kay Aquino, ito ay bahagi pa rin ng nagpapatuloy na internal cleansing program ng ahensya.

Sa pamamagitan ng palitan ng personnel, maiiwasan na sobrang maging pamilyar ang kaniyang mga tauhan sa kanilang areas of responsibility na posibleng maglagay sa kompromiso sa kanilang kredibilidad at integridad.

Dagdag pa ni Aquino na pag-iingat na rin ito para matiyak ang seguridad ng kanilang mga operatiba sa Central Visayas kasunod ng pananambang kay PDEA Investigation Agent III Earl Rallos.

Tiniyak ni Aquino na mananatiling tutok at hindi magpapatigatig ang PDEA sa war on drugs ng Duterte Administration.

Facebook Comments