Internal cleansing program sa PNP, iginiit ng isang senador na ipagpatuloy ng bagong PNP Chief

Umaasa si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na ipagpapatuloy ni bagong PNP Chief General Rommel Francisco Marbil ang internal cleansing program sa hanay ng mga pulis.

Pinatututukan ni dela Rosa, dating PNP Chief, sa bagong pinuno ng pulisya ang pagpapatuloy sa internal cleansing program sa mga pulis upang mabawasan naman aniya ang mga law enforcers na gumagawa ng kalokohan.

Mahalaga aniyang magtuluy-tuloy ang programa upang makamit ang pagbaba ng bilang ng mga abusadong pulis at tuluyang malinis ang institusyon.


Batid naman ni dela Rosa na ayaw nang gamitin ni Marbil ang termino na “war on drugs” sa paglaban kontra iligal na droga at ito ay ayos lang naman sa kaniya.

Dagdag ng senador na ang mahalaga dito ay magampanan ni Marbil ang mandato ng PNP na sugpuin ang iligal na droga na regular function ng pambansang pulisya.

Facebook Comments