Internal cleansing sa BOC, umarangkada na

Nagsimula na ang internal cleansing sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero – tinanggal niya ang kanyang chief of staff na si Teodoro Jumamil dahil sa alegasyon ng korapsyon.

Nagpadala na siya ng abiso sa collection districts na si Deputy Commissioner for Internal Administration Group Donato San Juan ang papalit kay Jumamil.


Ang sinibak na opisyal, kasama ang isang tauhang nakatalaga sa import assessment service (IAS) ay inirereklamo ng grupo ng mga broker dahil sa pangongolekta ng unnecessary fees.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak niya ang nasa 64 na BOC personnel.

Facebook Comments