MANILA – Iginiit ni Sen. Ping Lacson kay PNP Chief Ronald Dela Rosa na sabayan ang giyera kontra droga ng internal cleansing sa Philippine National Police.Ang payo ni Lacson sa pamunuan ng PNP ay kasunod ng nabunyag na tokhang for ransom na ginawa ng mismong mga pulis sa isang Korean businessman na pinatay pa matapos hingan ng limang milyong piso ang pamilyaAng kaparehong modus ay nangyari din mismo sa isang kaibigan ni Lacson sa Meycauayan Bulacan.Giit ni Lacson kay Dela Rosa, ang pag-aalis sa mga tiwali o police scalawags ay kasing halaga ng pagbibigay proteksyon sa publiko laban sa mga kriminal.Inaasahan ni Lacson na hindi na mauulit ang nangyari sa koreano at ang iba pang krimen na mga pulis ang nasa likod dahil mismong si Dela Rosa ang nagsabi na gusto niyang matunaw sa kahihiyan.Ang problema ayon kay Lacson ay sinasamantala ng mga tiwaling pulis ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga drug lords t pushers.Ipinaalala pa ni Lacson ang iba pang mga pangaabuso ng ilang miyembro ng PNP tupad ng pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa at iba pang kidnap for extort activities.
Internal Cleansing Sa Pnp – Isinusulong Ng Isang Senador
Facebook Comments