Sa ginanap na informal Roundtable at UNHCR Consultation kaugnay ng Internal Displacement sa ARMM ay tinalakay ng UNHCR Team na dinaluhan ni ARMM Executive Secretary and DSWD-ARMM Concurrent Regional Secretary Laisa Masuhud-Alamia, Assistant Secretary Pombaen Karon-Kader at RPDO Executive Director Engr. Baintan A. Ampatuan ang mga plano at ang mga hakbang na dapat na pagtutulungan upang masolusyunan ang displacement at makahanap ng mga paraan upang mapahusay ang pagtugon, maibasan at kalaunan ay mapigilan ang movements ng Internally DisplAced Persons (IDPS) sa ARMM.
Dumalo rin sa naturang konsultasyon sina Assistant Regional Secretary for Special Concerns Dong Anayatin, ARMM Heart Management Officer Ramil Masukat, DILG Regional Secretary Atty. Noor Hafizullah “Kirby” M. Abdullah at iba pang mga kinatawan.
Ang displacements na nangayayari sa ARMM ay kadalasang bunsod ng armed conflicts.
Internal Displacement sa ARMM, tinalakay!
Facebook Comments