Internal reforms ng PNP, dapat paigtingin na – kongresista

Hinimok ni Anak Mindanao Partylist Rep. Amihilda Sangcopan ang Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang internal reforms ng institusyon.

Ayon kay Sangcopan, seryosohin na dapat ng PNP ang pagsilip sa kanilang mandato sa Internal Affairs Service (IAS) sa ilalim ng Republic Act 8551 o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998.

Aniya, ito ang dapat na gawin agad ng PNP kung talagang seryoso ang Pambansang Pulisya sa paglilinis sa kanilang hanay at sa muling pagbabalik ng tiwala ng publiko sa mga pulis.


Tiniyak din ng mambabatas na susuportahan nila ang mga legislative measures na inihain sa Kongreso kaugnay sa mas matatag at independent na IAS.

Naniniwala ang kongresista na para maging epektibo at patas ang IAS ay dapat na malaya ito sa anumang impluwensya, pressure at panghihimasok ng mga opisyal ng PNP.

Bukod dito ay marapat lamang din na may kapangyarihan ang IAS na bumuo ng sariling disciplinary measures at mechanisms na final at executory upang maiwasan na ang pagkakasangkot ng mga police officers sa karahasan, katiwalian at iba pang iregularidad.

Facebook Comments