Marawi City – Nagsimula nang magbalikan ang mga Internally Displaced Person sa siyam na barangay sa Marawi City.
Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, aabot na sa 6,400 indibidwal ang bumalik sa kani-kanilang barangay.
Nag-isyu din anya ng mga ID card ang mga opisyal ng barangay na iba-base sa hawak nilang datos para matiyak na lehitimong taga-Marawi ang pinayagang makauwi.
Tiniyak naman ni Purisima, nagpapatuloy ang pagsasaayos ng mga pasilidad at serbisyo sa lungsod tulad ng kuryente.
Ang mga nakabalik ng bakwit ay pawang residente ng Barangay Malutlut, Tampilong, Panggao Saduc, Datu Saber, Green, Morlataw Luksa Datu, Marawi Poblacion, East Basak at Matampay.
Facebook Comments