International achievement ng Malagos Chocolate, ipinagmalaki ng DTI

Pang-world class talaga ang Philippine cacao matapos manalo sa 2020 World Drinking Chocolate Competition sa Germany ang Davao-City based Malagos Chocolate.

Binati ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang Davao-based company at pinasalamatan ang mga manggagawa nito sa kanilang pagsuporta sa Philippine cacao.

Ayon kay Lopez, patunay ito na mahusay ang Pilipinas sa larangan ng cacao farming at paggawa ng tsokolate.


Sinabi ni Lopez na tinutulungan nila ang Malagos Chocolate na makilala sa mundo katuwang ang Foreign Trade Services Corps.

Ang Malagos Chocolate ay nag-uwi ng apat na gold awards nitong October 25 kabilang ang top prize sa Plain o Origin Drinking Chocolate Dark category.

Ang tatlong gold awards naman ay sa Special categories tulad ng Growing Country, Chocolate Maker at Direct Traded.

Bukod sa Malagos Chocolate ng Pilipinas, nag-uwi din ng parangal ang Ara Chocolat of Chocolat Chaud Chuncho ng France at Pumatiy of Pasta Pura de Cacao Chuncho ng Peru.

Facebook Comments