INTERNATIONAL AIRPORT NA ITATAYO SA BAYAN NG LINGAYEN, INIHAHANDA NA

Inihahanda na ang planong pagpapatayo ng International Airport partikular sa bayan ng Lingayen na pinangunahan naman ng tanggapan ni 2nd District Rep. Cong. Cojuangco kasama ang ilang kinatawan ng Korea Eximbank at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Department of Transportation o DOTr.
Ipinahayag ng kongresista ng ikalawang Distrito ng Pangasinan ang kanyang pasasalamat sa mga ahensya at kumpanyang may interes sa pagbigay ng mga kinakailangang pondo sa pagpapatayo nito.
Nakikitaan din ito ng malaking potensyal sa pagpapalakas pa ng turismo at ekonomiya ng bayan, maging ang magandang epekto nito sa lalawigan ng Pangasinan.

Samantala, inaasahan pa ang mga susunod na hakbang nito para sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto. |ifmnews
Facebook Comments