Binigyan ng parangal ng Philippine Navy si International Boxing Federation Superflyweight Champion Jerwin Ancajas sa isang “Welcome home ceremony” sa Marine Barracks Rudiardo Brown, Fort Bonifacio Tagiug City, kahapon.
Si Ancajas ay umuwi sa Pilipinas pagkatapos magwagi sa kanyang ika-pitong “title defense” laban kay Ryuichi Funai sa Stockton, California nitong May 5, 2019.
Ayon kay Cpt. Jerber Anthony Belonio, Spokesperson ng Naval Reserve Command, ipinagdidiwang ng lahat ng opisyal at tauhan ng Philippine Navy ang tagumpay ni Ancajas, na isang chief Petty Officer sa Naval reserve Force.
Bilang pagkilala sa kanyang tagumpay, Isang plaque of recognition ang ipinagkaloob kay Ancajas ni Phil Navy Flag Officer in Command, Vice Adm. Robert A. Empedrad at Commander ng Naval Reserve Command, Brig. Gen. Dante M. Hidalgo.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Ancajas sa lahat ng supportang ibinigay sa kanya ng Philippine Navy, partikular sa kanyang 5-linggong pagsasanay sa Marine Base Gregorio Lim, Ternate, Cavite bago ang kanyang laban.