International business community, inimbitahan ng Liderato ng Kamara sa World Economic Forum Roundtable na pangungunahan ng Pilipinas sa Marso

Inimbitahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang international business community na dumalo sa World Economic Forum Roundtable na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na gaganapin sa Maynila sa darating na Marso 18 hanggang 19.

Ang imbitasyon ay inihayag ni Romualdez sa kanyang closing remarks sa World Economic Forum o WEF 2024 Annual Meeting na idinaos sa Switzerland.

Binanggit ni Romualdez na inaasahang ito ang magiging unang high-level roundtable na ikakasa sa Asia-Pacific region matapos ang COVID-19 pandemic.


Tiwala si Romualdez, na magiging daan ito para maipakita natin ang bentahe ng Pilipinas para paglagakan ng mga dayuhang mamumuhunan.

Para kay Romualdez, magandang pagkakataon din ito para pagsamahin ang mga kinatawan mula sa the public at private sectors para talakayin ang mga inisyatibo at ugnayan sa larangan ng digitalization, infrastructure development, at energy transition.

Inaasahang aabot sa mahigit 50 kinatawan mula sa local at international companies ang dadalo sa naturang event na pawang interesadong magbukas ng oportunidad na may kaugnayan sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Facebook Comments