
Tiwala ang Malacañang na hindi maaapektuhan ang imahe ng Pilipinas sa mata ng international community sa kabila ng mga alegasyon ni Senadora Imee Marcos laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakabatay sa datos at totoong sitwasyon sa bansa ang paghusga ng ibang bansa at hindi sa mga paratang na walang ebidensya.
Giit niya, ang madaling malinlang ng ganitong alegasyon ay ang mga taong ayaw mag-isip o may layuning siraan ang administrasyon.
Dagdag pa ni Castro, mas pipili ang mga investor ng isang bansa na may lider na seryosong lumalaban sa korupsiyon.
Kaya mas nararapat aniya ang tiwala sa pamumuno ni Pangulong Marcos dahil malinaw ang direksiyon nitong linisin ang pamahalaan.
Facebook Comments









