International community, hinikayat na makiisa sa patuloy na pagkundena sa pangha-harass ng China

Muling hinimok ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang international community na makiisa sa patuloy na pagkundena ng Pilipinas sa mga harassment at pambu-bully ng China.

Kaugnay pa rin ito sa pinakahuling pambu-bully ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagsasagawa ng maritime patrol sa Bajo de Masinloc sa loob ng West Philippine Sea.

Nanawagan din si Estrada sa international community na suportahan ang mga pagsisikap ng gobyerno para itaguyod ang rule of law sa West Philippine Sea.


Sinabi ni Estrada na ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa rehiyon ay nakasalalay sa kooperasyon at hindi sa komprontasyon.

Pinakikilos din ng senador ang mga kaukulang ahensyang ng gobyerno na iakyat na ang panibagong kaso ng pambu-bully sa international body.

Facebook Comments