Hinimok ng ilang mga senador ang international community na magkaisa para labanan ang lumalalang pangha-harass ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, labis niyang ikinakagalit at ikinakabahala an agresibong aksyon ng China Coast Guard sa pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal kung saan napaulat na ilang sundalo natin ang sinaktan.
Iginiit ni Estrada, Chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, na ihinto na ng China ang mga nakakagalit na aksyon nito at igalang ang karapatan sa soberenya ng bansa.
Hinimok ng senador ang international community na sama-samang makilahok sa pagtuligsa sa ginagawa ng China at suportahan ang panawagan para sa hustisya at accountability.
Tiniyak pa ni Estrada na gagawin ng gobyerno ang lahat ng kinakailangang paraan upang maprotektahan ang ating mga kababayan at patuloy na pagtaguyod sa pambansang interes.