Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na hindi makapanghihimasok ang International Criminal Court sa panloob na problema o usapin ng anomang bansa tulad ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng balita na mino-monitor umano ng ICC ang mga nangyayaring patayan sa bansa na may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang matibay na ebidensiya na nagpapatunay na mayroong crimes against humanity na nangyayari sa bansa.
Paliwanag ni Abella, ang mga ganoong kaso aniya ay kailangang pangmalawakan at sistematikong ginagawa sa isang ispesipikong grupo na hindi naman aniya nangyayari sa Pilipinas ngayon.
Sinabi din ni Abella na maging ang Senado ay inabsuwelto na si Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing walang nangyayaring crime against humanity sa bansa.