Muling dumaong ang isang cruise ship na Norwegian Spirit sa ilalim ng Norwegian Cruise Line, sa Currimao Seaport, Ilocos Norte.
May kabuuang 2,104 pasahero ang sakay ng Norwegian Spirit, kung saan 600 sa kanila ang lumahok sa Shore Excursion (Shorex) sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Ang cruise ship ay naglayag mula Taiwan patungong Ilocos Norte bago tumuloy sa Maynila.
Sinalubong ang mga pasagero ng ibat ibang national agencies kasama na ang kawani ng lokal na pamahalaan.
Ang pagbabalik ng Norwegian Cruise Line sa Currimao ay inaasahang magdudulot ng positibong epekto sa lokal na ekonomiya, magbibigay ng maraming trabaho, at magpapalakas sa industriya ng turismo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments