International flights ng Cebu Pacific, kanselado sa buong buwan ng July

167

Kanselado muna ang lahat ng international flights ng Cebu Pacific.

Ito ay habang inaayos pa ng CebuPac ang kanilang flight schedules para sa international routes.


Alinsunod naman ito sa basbas ng national government partikular ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng mga lokal na pamahalaan.

Partikular ang mga lugar sa mga lalawigan na may international airports.

Pinapayuhan naman ng Cebu Pacific ang mga apektadong pasahero na mag-rebook ng kanilang flights online sa pamamagitan ng website ng nasabing air carrier.

Facebook Comments