International flights sa Mactan Cebu International Airport, limitado lamang sa OFWs at returning Filipinos

Kinansela ng Cebu Pacific ang ilang international flights nito sa Mactan Cebu International Airport.

Ito ay dahil sa limitado pa rin ang international arrivals sa nasabing paliparan dahil limitado pa ang operasyon nito bunga ng pinsala ng Bagyong Odette.

Bukod dito, limitado lamang din ang operasyon ngayon ng ilang hotels sa Cebu.


Sa ngayon, 250 pasahero lamang kada eroplano ang pinapayagang pumasok sa Cebu.

Kabilang sa international flights na kinansela ng Cebu Pacific ay ang mga sumusunod:

 

5J 14 Manila – Dubai Dec. 23, 25, 27, & 30

5J 05 Dubai – Cebu Dec. 23, 25, 27, & 30

5J 582 Cebu – Manila Dec. 24, 26, 28 & 31

Facebook Comments