International flights sa NAIA, balik-operasyon na sa July 8

Balik-operasyon na sa Miyerkules, July 8, ang mga international flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga foreign airlines na pinayagang lumapag at lumipad sa NAIA Terminal 3 ay ang All Nippon Airways, Air Asia Berhad, Cathay Pacific, Ermirates (EK), KLM Royal Dutch Airlines, Qatar Airways (QR), Singapore Airlines (SQ) at Turkish Airlines (TK).

Nananatili namang suspendido ang operasyon ng iba pang airline carriers na nakatalaga sa Terminal 3 gaya ng Cebu Pacific, Delta Air, Qantas Airways at United Airlines.


March 28 nang ipatupad ang temporary closure ng NAIA Terminal 3.

Samantala, patuloy na gagamitin ng Philippine Airlines (PAL) ang NAIA Terminal 2 para sa kanilang international arrival flights habang Terminal 1 para sa international departures.

Nasa Terminal 3 naman ang domestic flight operations ng Cebu Pacific (5J), CebGo (DG), Philippine Air Asia (Z2) at Air Swift (T6) habang sa Terminal 2 ang Philippine Airlines (PR) at PAL Express (2P).

Mananatiling sarado ang Terminal 4 hangga’t walang utos na buksan ito.

Facebook Comments