Maglulunsad ngayon ang France ng International Fundraising Campaign upang muling itayo ang nasunog na Notre Dame Cathedral na idineklarang UNESCO World Heritage Site.
Ayon kay French President Emmanuel Macron, nararapat lang na muling itayo ang isa sa pinaka matandang Catholic Cathedral sa Paris, France lalo nat pinaka mahalagang bahagi ito ng kanilang kasaysayan.
Agad naman tumugon dito ang ilan kung saan nag-pledged €100 Million Euro ($113 Million) ang pamilya ng isang biyonaryo sa France para sa reconstruction ng Cathedral.
Ayon sa Fire Department, nagsasagawa ng misa sa nasabing simbahan nang bigla na lang sumiklab ang sunog na pinaniniwalaan na may koneksyon sa kasalukuyang renovation sa simbahan.
Tuwing semana santa naman, nakagawian na ng simbahan na isapubliko ang ilan sa mga makasaysayang relics ng Kristyanismo kasama na rito ang Holy Crown na pinaniniwalaan ng karamihan na mula sa crown of thorns na isinuot ni Hesus.