International laws, kailangan din pag-aralan ng militar para mas epektibong labanan ang Maute sa Marawi

Manila, Philippines – Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na pag-aaralan nila ang mga probisyon ng Geneva Convention partikular sa usapin ng paggamit ng mga mosque ng mga kalaban ng estado bilang stronghold.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, kailangan nilang malaman kung walang lalabagin na international law o treaty ang militar kung sasalakayin nila ang Maute group na nagkukuta sa mosque.

Paliwanag ni Padilla, iniiwasan nilang salakayin ang mga mosque sa ngayon upang makaiwas din sa pagkakaroon ng scenario na religious war.


Aminado naman si Padilla na hindi nila kayang sundin ang deadline na inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatlong araw mula noong Sabado ay dapat matapos na ang gulo sa Marawi.

Ayon kay Padilla, sadyang may limitasyon sa operasyon ng militar tulad ng pagkukubli ng Maute sa mga mosque sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments