International Monitoring Group, naglabas ng conflict alert sa gitna ng COVID-19 pandemic

Nagpalabas ng conflict alert ang International Monitoring Group kaugnay ng paghahasik ng karahasan ng ilang teroristang grupo na nangyayari habang humaharap ang gobyerno sa banta ng COVID-19 pandemic.

Sa kanilang Special Critical Events Monitoring System Bulletin, mula Pebrero 17 hanggang Abril 2020, nakapag-monitor ang International Alert Philippines ng mga sumusunod na extremist violence sa panahon ng pandemya.

Kabilang dito ang madugong pananambang sa panahon ng Ramadan, partikular dito ang pag-atake ng BIFF sa Datu Piang, Maguindanao.


Ang unti unting panunumbalik umano ng ISIS groups sa Marawi.

Tinukoy din ng grupo ang namumuong tensyon dulot ng boundary activation sa BARMM, MILF at ibang teritoryo.

Nabanggit din sa report ang mga pag-atake ng New People’s Army.

Naglatag ng ilang mungkahi ang grupo sa gobyerno kung paano aaksyunan ang sitwasyon.

Gayunman, nagbabala ang International Alert Philippines sa pamahalaan na paka-ingatan ang paghawak sa itutugong solusyon upang hindi humantong sa pinsala sa kabuhayan at kaligtasan ng mga sibilyan lalo pa’t humaharap ang bansa sa isang public health emergency.

Facebook Comments