International PATAFA 2018, Ramdam na ng City of Ilagan!

Ilagan City, Isabela- Nakatakdang magsidatingan ngayong araw ang ibang kalahok mula sa ibat-ibang bansa para sa gaganaping International PATAFA 2018 kaya’t todo na ang paghahanda ng LGU Ilagan para sa limang araw na palaro.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginoong Ricky Laggui ng General Services Office ng LGU Ilagan sa naging talakayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.

Aniya, pormal nang magbubukas ang International PATAFA Event bukas sa pamamagitan ng pagpaparada ng mga atleta at darating din ang actor na si Monsour Del Rosario bilang pangunahing tagapagsalita sa naturang palaro maging ang iba pang mga bigating artista at mang-aawit gaya nina Morissette at Bamboo.


Inihayag din ni ginoong Laggui na idineklarang Special Non-Working holiday bukas dahil sa pagdiriwang ng anibersaryo ng lungsod ng Ilagan at dahil na rin sa gaganaping International PATAFA.

Ayon pa kay ginoong Laggui, ang palaro ay magsisimula na sa May 31 at magtatapos sa ika-apat ng Hunyo taong kasalukuyan.

Facebook Comments