Ilagan City, Isabela- Muling itinalaga ang Lungsod ng Ilagan bilang punong-abala sa susunod nanamang International PATAFA Event sa taong 2019.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Philip Ella Juico, ang Presidente ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa kanyang pahayag sa unang araw ng Ayala Philippine Athletic Championships kahapon.
Aniya, dalawang taon na umano itong isinasagawa kaya’t umaasa pa si Dr. Juico na marami pang darating na panahon na makasama ang mga Ilaguenos maging ang mga Isabelino.
Binigyang diin naman ni City Mayor Evelyn C. Diaz, ang kahalagahan ng Palaro dahil sa nabubuong pagkakaisa at pagkakaibigan ng mga pinoy sa ibang bansa.
Ayon naman sa pahayag ni Hon. Jose Marie L. Diaz, ang Over-all Coordinator ng Lungsod ng Cauayan, aniya, marami pa umanong oportunidad ang darating sa kanilang lungsod at hindi pa umano ito ang huling paghahawak nila ng naturang Palaro.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga naturang opisyal dahil sa matagumpay na pagsisimula ng naturang palaro.
Samantala, matapos ang mga pananalita ng mga panauhin ay sinundan ito ng pagsasayaw na nagpapakita sa kultura ng mga Ilaguenos bago sinimulan ang Ayala Philippine Athletic Championships na nilahukan ng mga koponang mula pa sa iba’t-ibang bansa.