International Space Station, nanganganib sa pagtama ng mga satelite debris

Inihayag ngayong ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na nanganganib ang International Space Station.

Kasunod na rin ito ng ginawang paglulunsad ng India ng kanilang Anti-Satelite Missile System.

Ayon kay NASA Administrator Jim Bridenstine, nag-iwan ang ginawang test ng India ng 400 debris kung saan 24 rito ay posibleng tumatama sa International Space Station.


Mararamdaman ang impact ng mga debris, sampung araw mula ngayon.

Agad naman idinepensa ng Indian Ministry of Foreign Affairs ang kanilang ginawang test.

Facebook Comments