Nanawagan ang OCTA Research Group sa pamahalaan na magpatupad ng mahigpit na travel protocols para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang Delta variant ay mas nakakahawa at malaking banta sa Pilipinas dahil maaari itong magdulot ng panibagong surge ng kaso.
Dapat aniya mapanatili ang border controls para hindi makapasok sa bansa ang Delta variant.
Sakaling magkaroon ng community transmission ay magdudulot ito ng surge na mas malala pa kumpara sa nangyari noong Marso.
Ang COVID-19 cases sa Metro Manila ay patuloy na bababa dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na restrictions.
Nakatulong din ang pagbabakuna para mapababa ang bagong kaso.
Facebook Comments