Pinahihigpitan ng OCTA Research Group sa pamahalaan ang mga international travel protocols para maiwasan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, dapat mapanatili ng bansa ang border controls lalo na sa mga international travel protocols para hindi makapasok sa Pilipinas ang Delta variant na malaking banta sa ibang bansa.
Aniya, oras na magkaroon ng community transmission nito ay tiyak na muling tataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabila nito, dahil sa istriktong pagpapatupad ng resktriksyon sa Metro Manila, sinabi ni David na patuloy na bumababa ang kaso ng sakit sa rehiyon.
Facebook Comments