International travelers, bumagsak ng 95% mula March hanggang June

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na bumagsak ng 95% ang bilang ng international passengers na pumapasok at lumalabas ng bansa.

Ito ay mula nang ipatupad ang community quarantine mula noong Marso.

Ayon sa BI, ang arrival volume mula March 16 hanggang June 30, 2020 ay bumaba ng mahigit 96%, habang ang departure volume ay bumaba ng 95% kumpara sa volume ng mga pasahero noong nakaraang taon.


Magugunitang simula noong Marso, maraming international flights ang sinuspinde bukod pa sa mga ipinatutupad ng travel restrictions bunga ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments