Simula sa Miyerkules, June 16, kailangan nang magpakita ng dokumento ang mga returning travelers sa Pilipinas ng mga dokumentong magpapatunay na nakumpleto na nila ang COVID-19 vaccination.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nire-require na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga international travelers na magkaroon ng vaccine card o government-issued certificate na nagpapakitang nabakunahan na sila laban sa COVID-19.
Bahagi na aniya ito ng travel requirements ng mga biyahero mula abroad.
Pagkadating sa bansa, kailangan nilang ipakita ang certification sa Bureau of Quarantine (BOQ) para sa re-verification.
Nagpasya rin ang IATF na ipatupad din sa June 16 ang revised travel guidelines.
Sa ilalim ng IATF Resolution No. 119, ang mga biyaherong galing abroad na nakumpleto ang vaccination sa Pilipinas ay kailangang mag-quarantine sa loob ng pitong araw sa isolation facility, sa halip na 10-day facility-based quarantine at apat na araw na home quarantine.
Ang mga pasahero ay nire-require din na kumuha ng swab kapag nakitaan sila ng sintomas ng COVID-19 habang sila ay naka-quarantine.