International Tribunal for the Law of the Sea President, Bibisita sa Pilipinas

Bibisita sa Pilipinas si International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) President Jin-Hyun Paik.

Dadaluhan niya ang 7th Biennial Conference of the Asia Society Of International Law (ASIANSIL) sa Agosto 22 hanggang 23.

Nabatid na nagkaroon ng courtesy call si Philippine Ambassador to Germany Theresa Dizon-De Vega sa ITLOS Official at hiniling nito na bumisita sa Pilipinas.


Ang ITLOS ay isang independent Judicial Body na itinatag ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ang Hamburg-Based Tribunal ay binubuo ng 21 independent members na may mataas na reputasyon sa larangan ng batas pangkaragatan.

Facebook Comments