INTERNATIONAL WOMEN’S DAY | MRT-3 at LRT-2 magbibigay ng libreng sakay sa mga kababaihan

Manila, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay sa mga kababaihan ngayong araw ang MRT-3 at ang LRT line-2 bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Women’s Day.

Dalawang oras sa umaga at dalawang oras din sa hapon ang libreng sakay kung saan magkakaroon ng lane para sa mga babaeng pasahero.

Nagsimula na ito kaninang alas-7:00 ng umaga na aabot hanggang alas-9:00 ng umaga.


Magpapatuloy naman ito mamayang alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 gabi.

Facebook Comments