INTERNATIONAL WOMEN’S DAY | Senadora De Lima, hinikayat ang mga kababaihan na lumaban sa pang-aabuso

Manila, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day, hinikayat ni Senator Leila De Lima ang mga kababaihan na huwag magpabiktima sa pang-aabuso ng mga misogynist in power.

Sa isang liham, sinabi ni De Lima na dapat manguna ang mga kababaihan sa pagdepensa sa dignidad at karapatang pantao ng hindi natatakot.

Kailangan na rin aniyang baguhin ang mentalidad na pinapabayaan lang ang pambabastos ng ilang mataas na opisyal na itinuturing lang ito na biro.


Giit pa ni De Lima, imbes na ilista o bilangin ang mga pambabastos ay kailangang maipaintindi sa tao ang masamang naidudulot nito.
<#m_3240693254801037230_m_7230738480366311781_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments