INTERNATIONALIZATION NG PANGASINAN STATE UNIVERSITY, PATULOY NA INI-A-ANGAT

Patuloy ang pagpapalakas ng pamunuan ng Pangasinan State University upang makilala pa ang unibersidad sa buong mundo.

Ayon kay PSU President Dr. Elbert Galas, ang mga programa at aktibidad na may kinalaman sa internationalization ay nagbibigay pagkilala sa unibersidad.

Ayon naman kay PSU Vice President for Local and International Affairs, Dr. Ian Evangelista, nagpapatibay rin ito ng reputasyon ng unibersidad.

Siniguro naman ng mga opisyal na may pakinbang ito sa mg mag aaral upang mabilis na makahanap ng trabaho.

Ang PSU ay nakatanggap na ng ilang placement sa ilang world rankings maging sa bansa at patuloy na namamayagpag sa iba’t ibang industriya sa pamamagitan ng mga pinoprodyus nito.

Ang PSU ay itinatag noong 1979 at mayroong 9 na campus sa probinsya kung saan kasalukuyang nag-aaral ang nasa higit 26,000. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments