Manila, Philippines – Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasok ng ikatlong telecommunications provider sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – inatasan ng Pangulo ang National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na aprubahan sa loob ng pitong araw ang application sa bidding.
Gusto aniya ng Pangulo na maging operational na ito sa unang kwarter ng 2018.
Pangamba naman ni Senator Leila De Lima – posibleng makompromiso ang information at communications infrastructure ng bansa.
Dagdag pa ng senadora – malalagay din sa alanganin ang national security manging ang buong intelligence at defense systems.
Facebook Comments