Manila, Philippines – Tinukoy na ng Malacañang ang Chinese company na papasok bilang ikatlong player sa industriya ng telekomunikasyon sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang kumpanyang China Telecom ang mamumuhunan para pagandahin ang serbisyo ng internet sa bansa.
Ito aniya ang pinakamalaking telecommunications company sa China.
Pero sinabi ni Andanar, na kailangan munang makahanap ng local partner ang China Telecom dahil nililimitahan ng konstitusyon ang foreign ownership sa isang public utility.
Noong 2016, aabot sa 215 million ang kanilang broadband subscribers.
Nabatid na ang pagpasok ng Chinese company ang siyang babasag sa ‘duopoly’ ng PLDT at Globe Telecom.
Facebook Comments