Pinalalawig ng Lalawigan ng La Union ang internet access sa mga malalayong barangay sa pamamagitan ng pamamahagi ng satellite internet units upang matiyak ang mas mabilis at maasahang koneksyon para sa mga residente.
Labing Pitong satellite internet connection units, na may kabuuang halagang ₱700,000, ang ipinagkaloob sa mga barangay sa isang ceremonial distribution na isinagawa sa Provincial Capitol sa Lungsod ng San Fernando.
Layon ng proyekto na mapabuti ang digital access sa mga liblib na lugar at matiyak na makasabay ang mga ito sa lumalawak na paggamit ng teknolohiya.
Inaasahan ng pamahalaang panlalawigan na makatutulong ang mas matatag na koneksyon sa pagpapahusay ng serbisyong pampamahalaan, lalo na sa emergency response, komunikasyon, at paghahatid ng mahahalagang impormasyon.









