Matapos ang 27 taon ay nakatakdang magretiro na ang internet browser ng IT Giant na Microsoft na Internet Explorer ngayong araw.
Kasunod na rin ito ng pagtigil ng support sa naturang browser sa Microsoft Teams noong November 2020 at ng Microsoft 365 noong nakaraang taon.
Mababatid na itinigil na rin ang paglagay ng bagong features sa Internet Explorer noong 2016 dahilan para unti-unti na ito i-phase out.
Sa ngayon ay mayroong “Microsoft Edge” na ayon kay Microsoft Edge program manager Sean Lyndersay ay ang ‘future ng Internet Explorer’ na makikita sa latest operating system ng kumpanya na Windows 10.
Unang nilabas ang Internet Explorer noong 1995 bilang add-on package sa Windows 95 at naitala ang peak usage nito noong 2003 na aabot sa 95%.
Ngunit dahil sa paglipana ng mga bagong web browser mula sa iba’t-ibang kumpanya ay unti-unting lumipat ang mga gumagamit nito.