Internet load allowance, inihirit ng grupo ng mga guro para sa pagtuturo online

Umaapela ang grupo ng mga guro na bigyan sana sila ng internet load allowance para sa kanilang pagtuturo online.

Ayon kay Raymond Basilio, Secretary-General ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), kanilang isinusulong na magkaroon ng Internet allowance ang mga guro upang kahit papaano ay ma-offset ang kanilang gastusin na nadadagdag sa kanilang pang araw-araw.

Sinabi ni Basilio na inihayag ng Department of Education (DepEd) na maaaring gamitin ng bawat paaralan ang nito para sa internet allowance pero aniya, walang opisyal na utos hinggil dito mula sa departamento.


Iginiit pa ng ACT ang kalagayan ng maliliit na eskwelahan na walang pondo kung saan kinakailangan umano na magkaroon ng malinaw na polisiya tungkol sa sinasabing communication allocation.

Bagama’t sinasabi ng DepEd na naging maayos ang pagsisimula ng blended learning dahil sa COVID-19, nagkaroon pa din ng ilang mga problema ang mga guro pagdating sa usapin ng online learning.

Dagdag pa ni Basilio na maging sa National Capital Region (NCR) mismo ay maraming mga bata na hindi makapasok sa kanilang mga online classrooms at marami ring mga teacher na hirap humanap ng connection sa kanilang online classes.

Facebook Comments