Internet personality na si Francis Leo Marcos, iginiit na pinupulitika siya matapos siyang arestuhin

Nanindigan ang negosyante at sikat na internet personality na si Francis Leo Marcos na pinupulitika siya matapos siyang arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI).

Si Marcos ay inaresto dahil sa paglabag sa Optometry Act makaraang mamahagi ng presrciption eyeglasses na walang pahintulot mula sa Philippine Association of the Optometrist (PAO).

Iginiit ni Marcos, na nais lamang niyang makatulong at hindi makaperwisyo.


Sinabi ni NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, ginagamit ni Marcos ang pangalang Norman Mangusin, na siyang tunay niyang pangalan.

Dagdag pa ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, isang non-bailable warrant ang inisyu kay Marcos noong 2006 dahil sa paglabag sa Anti-Human Trafficking in Persons Act dahil umano sa pagre-recruit ng mga bata.

Pero nanindigan si Marcos na siya ay inosente at hindi kailanman nasangkot sa kahit anumang ilegal na aktibidad.

Si Marcos ay nakilala sa kaniyang YouTube channel na may higit sa milyon ang subscribers.

Facebook Comments