Bumilis ang Internet sa Pilipinas simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Dutere.
Ito ay ayon sa Akamai, isa sa pinakamalawak na computing platforms sa buong mundo.
Ayon sa Akamai, sa unang buwan pa lamang sa panunungkulan ni Pangulong Duterte ay umaabot lamang ang average download speed for mobile sa 7.44 Mbps habang ang fixed broadband naman ay 7.91 Mbps.
Mula sa 7.91 Mbps noong July 2016 ay umakyat na sa 18.66 Mbps ang internet speed noong April ng 2019.
Sa unang taon pa lamang ng panunungkulan ng Pangulo, tinukoy ng Akamai na ang Pilipinas at mga karatig bansa nitong Thailand at China ay nangunguna na sa Asia Pacific Region na may kapuna-punang pag-unlad ng internet speed o 20 percent quarterly boost.
Positibo rin ang forecast ng Akamai sa estado ng internet sa Pilipinas makaraang aprubahan ni Pangulong Duterte ang planong magtatag ng National broadband network na tinatayang aabot sa $1.5 hanggang $4.0 billion o katumbas ng P77 hanggang P200 billion.
At katulad ng mga naunang forecast ng Akamai, ang quarterly trend ng average internet speed sa Pilipinas ng mobile at fixed broadband ay nasa upward trend o paakyat.
Sa katunayan ay nadoble ito sa third quarter ng 2016 sa 7.77 Mbps para sa mobile at 8.40 Mbps naman para sa broadband.
Noon namang unang quarter ng 2019 ay umabot na ito sa 14.71 Mbps para sa mobile at 19.31 Mbps naman para sa broadband.