Nananatiling problema sa sektor ng edukasyon ang maaasahang serbisyo ng internet.
Ito ang pahayag ng Department of Education (DepEd) sa harap ng pagpapatupad ng online learning – isa sa alternative learning modalities ngayong pandemya.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang mahinang serbisyo at koneksyon sa internet ay nakakaapekto sa paghahatid ng edukasyon sa mga mag-aaral.
Aniya, isyu ang internet connectivity sa mga malalayo at liblib na lugar.
Bukod dito, hamon din sa kagawaran ang magbigay ng gadgets sa mga estudyante sa mga “Last Mile” schools o ang mga paaralang matatagpuan sa geographically isolated, disadvantaged at conflict-affected areas na kulang sa resources at pasilidad.
Isa rin sa nakikitang problema ng kalihim ay ang walang kuryente sa mga ganitong klaseng lugar.
Kaya ipinatutupad ng DepEd ang iba pang interventions tulad ng radio-based learning.