Manila, Philippines – Tiniyak ng Globe Telecom na pagagandahin pa ang kanilang internet service sa bansa.
Batay sa pinakahuling benchmarking results nitong ikalawang kwarter ng 2017 na isinagawa ng National Telecommunications Commission (NTC), bumilis ng 9.3 mbps ang download speed mula sa dating 1.65 mbps noong 2016.
Bukod dito, nakapagtayo na rin ang Globe ng halos 5,000 LTE sites sa buong bansa at karamihan sa mga ito ay nasa Metro Manila.
Target ng Globe na magkaroon ng dalawang milyon na home broadband na may internet speed na 10 mbps pagdating ng 2020.
Mayroon na ring 10,000 access points para sa libreng Wi-Fi sa ilang pampublikong establisyimento, transport terminals, eskwelahan, ospital maging sa buong kahabaan ng EDSA.
Facebook Comments