INTERNET SERVICE SA LA UNION MAS MAPAPABILIS DAHIL SA PAGBUBUKAS NG COMMON TOWER NG MGA TELCO

Binuksan na ang shared o common tower ng mga telecommunication service provider sa La Union na matatagpuan sa Brgy. San Benito,Aringay.
Sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 419-2023 o ang Common Tower Policy, inaasahang mapapabilis at lalawig pa ang mobile at internet service sa lalawigan at konkretong tugon ng Sangguniang Panlalawigan sa panganib tuwing may kalamidad dulot ng paglalagak ng mga poste ng telco malapit sa mga residential area.
Tiniyak na dumaan sa masusing pag-aaral ng Sanggunian ang naturang ordinansa bago tuluyang buksan ang kauna-unahang common tower sa lalawigan.
Ang pagsasakatuparan nito ay Daan upang maging ehemplo ang La Union sa pagyakap sa digitalization sa buong bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments