Internet speed sa bansa, bahagyang bumagal noong Enero

Bahagyang bumagal ang internet speed sa bansa nitong nakalipas na Enero.

Ito ay batay sa OOKLA Speedtest Global Index report kung saan mula sa 50.26Mbps noong Disyembre 2021 ay bumaba sa 49.52Mbps ang fixed median broadband speed sa bansa.

Habang bumagal din sa 17.95Mbps mula sa 19.20Mbps ang mobile median speed pero naitala sa 81.08 mbps ang average fixed broadband speed sa Pilipinas.


Itinuturo namang dahilan ng pagbagal ng internet ang pananalasa ng Bagyong Odette sa 22 lalawigan sa Visayas at Mindanao noong nakaraang Disyembre 2021.

Facebook Comments