Internet speed sa bansa, pabibilisin ni Pangulong Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng National Government Portal at National Broadband Plan sa cabinet meeting sa Malacanang.

 

Ipintrisinta kasi ni Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima kay Pangulong Duterte ang mga issue at problema sa communication sa bansa kung saan binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan ng mas mabilis na communication o internet sa Pilipinas.

 

Matatandaang sinabi na ni Pangulong Duterte na dapat bumuo ang gobyerno ng National Broadband Plan na magpapabilis sa deployment ng mga fiber optic cable at wireless technology para mapaganda ang internet connection ng bansa

 

Nabatid na ang internet connection ang isa sa mga paraan para mapaganda pa ang takbo ng ekonomiya bukod pa sa ito din ang reklamo ng mga consumers sa bansa.

Facebook Comments