Patuloy na umaangat ang speed rankings ng internet sa Pilipinas para sa fixed broadband at mobile nitong Hunyo.
Batay sa global speed monitoring firm na Speedtest ng Ookla mula sa 137 bansa sa mundo, umakyat sa rank 62 ang fixed broadband ng Pilipinas mula sa rank 65 noong Mayo.
Para sa mobile internet, umangat din ang bansa sa rank 75 mula sa dating rank 77.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II, welcome development ito bilang paghahanda na rin para sa full participation sa global digital economy.
Ang average download speeds para sa fixed broadband ay nasa 66.55 megabits per second (Mbps), kumpara sa 58.76 Mbps noong Mayo.
Nasa 66.86 Mbps ang upload speed kumpara sa 8.92 Mbps noong Hunyo.
Para sa mobile internet, ang download speed ay umabot sa 32.84 Mbps noong Hunyo, mataas sa 32.03 Mbps noong Mayo.