Internet speed sa Pilipinas, bumilis pa sa nakalipas na buwan

Patuloy na bumubuti ang kalagayan ng broadband internet at mobile internet sa Pilipinas.

Ito ay kasunod ng inilabas na Speedtest Global Index Report ng Ookla kung saan mula sa 46.25 mbps noong buwan ng Marso ay umakyat na sa 49.31 mbps ang bilis ng broadband internet nitong Abril.

Kaugnay nito, pumalo naman sa 29.12 mbps ang bilis ng mobile internet noong nakaraang buwan na mas mataas kumpara sa 25.43 mbps noong Marso.


Samantala, inaasahang mas magiging maganda pa ang serbisyo ng mga internet provider sa Pilipinas ngayong pumasok na rin sa kompetisyon ang DITO Telecommunity.

Facebook Comments