Bumuti ang internet speed sa bansa mula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) acting Secretary Eliseo Rio – sa ilalim ng Duterte administration, tumaas ang average download speed para sa mobile na nasa 14.73 megabites per second o Mbps at sa fixed broadband na nasa 18.66 Mbps.
Dati, ang average mobile at fixed broadband speed ay nasa 7.44 Mbps at 7.91 Mbps.
Sa unang taon ni Pangulong Duterte – ang Akamai, isang kilalang digital delivery network sa mundo ay binanggit na ang Pilipinas, Thailand at China at nangunguna sa Asia Pacific Region pagdating sa internet speed improvement na may 20% quarterly boost.
Binigyan din ng positive forecast ang estado ng internet sa Pilipinas matapos aprubahan ni Pangulong Duterte ang plan na magtayo ng National Broadband Network.