Kumpiyansa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na bibilis pa ang internet speed sa Pilipinas.
Ayon kay DICT Undersecretary Emmanuel Rey Caintic, mararanasan ng bawat Pilipino ang mabilis na internet basta pagbubutihin ng mga telecommunication companies ang kanilang serbisyo.
Tumutulong din ang DICT sa mga telco providers na pabilisin ang rollout ng mga karagdagang fiber-optic cables at cellular towers para mapalawak ang kanilang signal coverage.
Batay sa huling report ng global internet speed monitoring firm na Ookla Speedtest, umangat ang Pilipinas sa global rankings mula sa ika-80 pwesto patungong ika-65 pwesto pagdating sa fixed broadband, at ika-84 na pwesto patungong ika-77 pwesto pagdating naman sa mobile internet.
Ang fixed broadband download speed sa bansa ay nasa 58.73 megabits per second (Mbps) noong Mayo, at upload speed na 57.40 Mbps.
Ang kasalukuyang mobile download speed na nasa 31.98 Mbps habang ang upload speed ay nakapagtala ng 8.74 Mbps.